TESDA PROGRAM ACCREDITATION

JUNE 24, 2022 │ Nagsagawa ng inspection ang TESDA Pampanga para sa Program Accreditation ng 150-hours Basic Japanese Language, Culture and Work Ethics ng PATS. Ito ay ang unang program accreditation ng PATS sa TESDA at inaasahan pa ang iba pang TESDA accredited program sa Japanese language at skills. Pinuri naman ng TESDA Pampanga UTPRAS Focal na si Ms. Maria Edita D. Hernandez Editha ang state-of-the-art facilities pati na rin ang ganda ng Mt. Arayat na nakasentro sa view ng PATS. Matagumpay na nakapasa ang PATS sa nasabing accreditation.